Huwebes, Marso 14, 2013

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA: Mga Traysikel Drayber ng Candon City, Ilocos Sur


Ang pag aaral na ito ay naiuugnay sa mga listahan ng mga pulisya o awtoridad na may kinalaman sa pagsita sa mga traysikel drayber na hindi sumusunod sa mga alituntunin o batas trapiko. Masasabing ito ang unang pag aaral para sa mga traysikel drayber sa barangay Patpata Primero at Patpata Segundo.
            Sa pananaliksik na ito ay naibatay lamang sa isang survey at isang masusing pagmamatyag sa mga drayber habang ginagawa ang pananaliksik. Naibatay din ito sa bilang ng mga nakakaranas ng anumang aksidente sa kalsada dulot ng hindi pagsunod sa maga alituntunin at batas na ipinapatupad ng gobyerno. Sa ating pagsusuri wala naming masyadong aksidente na nangyayari kaya’t masasabi natin na maayos ang pasunod nila at maayos din ang pagpapatupad ng gobyerno sa mga batas na ito.
            Bilang isang mag aaral at isang miyembro sa lipunan maaari nating gawing sapat na batayan ang ating sariling eksperyensya sa pagsakay sa mga pambublikong sasakyan lalong lalo na sa traysikel. Nagamit sa pag aaral na ito ang pansariling pananaliksik dahil ito din ay nakatulong sa paglalahad ng mga problema o mga nasasaksihang pangyayari habang tinatahak ang pambublikong lansangan.